Special Recruitment Activity, patuloy na isinasagawa ng PESO Pangasinan

Magsasagawa ang Pangasinan Provincial Employment Service Office (PESO) ng Special Recruitment Activity sa biyernes, Setyembre a-kuwatro.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, ang isang lisensyadong recruitment agency ay nangangailangan ng 40 excavators operator, 40 heavy duty drivers, 10 heavy equipment mechanics, limang rock breaker technicians at 10 heavy duty transport mechanics.

Ang mga aplikante ay edad 22 hanggang 40 taong gulang, at may dalawang taong ikperiensya sa inaaplayan na trabaho.

Ang mga employers ay mag-aalok ng salary deduction.

Isasagawa ng mga employers ang interview umpisa alas nuebe ng umaga sa PESO sa Capitol Complex sa bayan ng Lingayen.

Speak Your Mind

*