Tulong ng Malasiqui LGU’S, malaking tulong sa kampanya ng pulisya kontra illegal drugs

Unti-unti nang natutukoy ng Malasiqui PNP ang lahat ng sangkot sa operasyon at paggamit ng illegal na droga sa may 73 barangays sa bayan.

Kinumpirma ni Police Supt. Armando Muena, ang hepe ng Malasiqui PNP na malaki ang tulong ng mga barangay officials sa kanilang kampanya kontra illegal drugs.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga opisyal ng barangay ay natutukoy kung sino sa kanilang mga kasamahan ang gumagamit o sangkot sa transaksyon ng illegal na droga.

Sinabi ng hepe na marami pa rin silang nahuhuling mga drug pusher ngayon pero maliitan na lamang ang operasyon, kung saan ilan sa kanilang nahuhuli na nagsusuplay ng illegal drugs sa malasiqui ay taga-kalapit na bayan.

Samantala, nagpasalamat naman si Muena sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Armando Domantay sa buwanang suporta para sa pagsasagawa nila ng buy bust operations.

Ang ibang bahagi ng pundo na ibinibigay ng lgu ay ginagamit rin ng kapulisan sa pagsasagawa ng Drug Symposium sa mga eskwelahan at mga barangay.

Speak Your Mind

*