Wasar team ng PDRRMO, mahigpit na nakabantay sa Lingayen beach

Umabot sa isang-libong katao araw-araw ang dumagsa sa Lingayen beach sa nakalipas na tatlong araw.

Ayon kay Dennis Taliman ng Water Search And Rescue (WASAR) team ng Pangasinan Provincial Disaster Risk And Reduction Management Office (PDRRMO), ang nabanggit na bilang ay naitala mula noong Sabado hanggang kahapon.

Giit nito na mahigpit ang pagbabantay ng Wasar team sa seguridad ng mga turista at handa silang umagapay sa oras ng emergency.

Tinutukan ng mga otoridad ang mga dumaragsa sa dagat dahil puntirya nila ang zero-drowning incident.

Speak Your Mind

*