16 mangingisda mula Western Pangasinan, hindi pa rin nakakauwi – PDRRMO

Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO) na labing-anim pang mangingisda ang hindi pa nakababalik mula nang pumalaot bago dumating ang bagyong Kabayan.

Sinabi ni Avenix Arenas, ang Spokesperson ng PDRRMO na mayroong isang namatay mula sa bayan ng Infanta,  ito ay naabutan ng bagyo sa dagat.

Paliwanag ni Arenas sa sonshine radio na sa pakikipag-ugnayan ng PDRRMO sa MDRRMO ng Agno, Bolinao, Dasol at Infanta ang lahat ng 211 mangingisda noong September 26 hanggang 29.

Wala pang bagyo sa mga nabanggit na petsa, gayunman nasalubong nila ang bagyong kabayan sa dagat.

Napalayo ang iba sa mga mangingisda dahil na rin sa malakas na alon sa dagat.

Dagdag ni Arenas na kadalasan sa mga mangingisda ay nagtatagal sa laot ng tatlong araw hanggang isang linggo.

Speak Your Mind

*