19 na PNP officials, sinibak ng Ombudsman

Sinibak ng tanggapan ng Ombudsman ang 19 na opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa maanomalyang pagbili ng Police Coastal Crafts (PCC) na nagkakahala ng 4.54 milyong piso noong 2009.

Kabilang sa mga sinibak dahil sa grave misconduct ay sina Ssupt. Asher Dolina, Ssupt. Ferdinand Yuzon, Ssupt. Cornelio Salinas, Ssupt. Thomas Abellar, Ssupt. Nepomuceno Magno Corpus, Jr., Ssupt. Rico Payonga, Csupt. Reynaldo Rafal, Csupt. Rizaldo Tungala, Jr., Ssupt. Alex Sarmiento, Ssupt. Aleto Jeremy Mirasol, Supt. Michael Amor Filart, PO3 Avensuel Dy, Supt. Job Marasigan, Supt. Leodegario Visaya, CInsp. Juanito Estrebor at CInsp. Renelfa Saculles, Supt. Henry Duque at PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato.

Habang sinibak din sina CSupt. George Piano at COA Auditor for the PNP Jaime Sañares dahil sa gross neglect of duty.

Ayon sa Ombudsman, binili ang mga rubber boats ng walang public bidding sa kabilang ng mga depekto ay sinertipikahan pa ring nakapasa sa criteria.

Maliban dito ay pinagbawalan na rin ng Ombudsman na humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ang mga sinibak na opisyal.

Speak Your Mind

*