2 senador, inaasahang maghahain ng kanilang COC ngayong araw

Inaasahang maghahain ngayong araw ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sina Senate President Franklin Drilon at Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa 2016.

Si Drilon ay tatakbong muli bilang senador sa ilalim ng Partido Liberal ng Aquino administration.

Sa hapon naman ay si Senator Marcos na naghahangad naman ng mas mataas na posisyon sa 2016 bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Si Marcos ay tatakbo bilang independent at wala rin itong inihayag na susuportahang presidente para sa 2016.

Speak Your Mind

*