21 pasahero ng isang mamahaling cruise ship sa Greece, sugatan sa sunog

Aabot sa 21 pasahero ng isang mamahaling cruise ship ang isinugod sa pagamutan makaraang masunog ito habang bumabaybay sa karagatang sakop ng bansang Greece.

Nabatid na nakalanghap ng usok ang 21 katao matapos masunog ang cruise ship na Splendour of the Seas ng Royal Caribbean Cruise sa Argostoli sa Kefalonia, Greece.

Ayon sa Royal Caribbean, nagsimula ang apoy sa isa sa dalawang engine room ng barko kung saan mabilis naman itong naapula ng mga crew at sa tulong ng mga fire suppression system ng barko.

Dahil ditto, hindi na titigil ang barko sa Argostoli sa port call nito at sa halip ay didiretso na sa susunod na destinasyon, ang Venice.

Speak Your Mind

*