2M voters, target ng Comelec para sa mall voting

Nasa dalawang milyong botante ang target ng Commission on Elections (Comelec) na mapaboto sa loob ng mga shopping malls sa darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman Atty. Andres Bautista, isa sa advantage ng mall voting ay ang pagkakaroon ng maluwang na voting place kung ikukumpara sa mga pampublikong eskwelahan.

Aminado naman si Bautista na hindi magiging madali ang nasabing plano dahil kailangan pa itong desisyunan sa korte.

Muli ring nanawagan ang Comelec sa publiko na samantalahin na ang mall registration lalo’t malapit na ang deadline sa pagpaparihistro at biometrics.

Speak Your Mind

*