3 araw, inilaan ng Comelec para sa absentee voting

Inilaan na nang Commission on Elections (Comelec) ang 3 araw na absentee voting para sa mga opisyal at empleyado nang gobyerno.

Kabilang din dito ang mga sundalo at pulisya gayundin ang mga miyembro ng media na magko-cover sa araw ng eleksyon sa Mayo 9.

Binibigyan ng pagkakataon ng Comelec ang nasabing mga practitioneer na makaboto bago ang Mayo 9 2016 elections.

Sa isang resolusyon, itinakda ng Comelec ang absentee voting mula Abril 27 hanggang 29.

Ang mga local absentee voter’s ay maaaring bomoto para sa national elective positions, kabilang ang presidente, bise presidente, senador at party-list representative.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez may prebilihiyo na makasama sa absentee voting ang mga rehistradong bontateng may biometrics.

Ang mga interesado sa absentee voting ay maaaring mag-apply hanggang March 7, 2016 para makasama sa local absentee voters.

Sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno, pulis at militar, maaaring isumite ang aplikasyon sa inyong mga superior.

Samantalang ang mga media practitioneer ay maaring magtungo sa mga tanggapan ng Comelec sa probinsiya at sa Metro Manila.

Speak Your Mind

*