3 patay sa sunog dahil sa nakasinding kandila

Patay ang tatlong katao, matapos masunog ang kanilang bahay sa purok Sagana sa barangay Mangandingay sa lungsod ng Munoz, Nueva Ecija.

Kinilala ng Science City of Muñoz Police ang mga namatay na sina Chrissa Mae Lugo, 18 y/o, 2nd year college sa Central Luzon State University (CLSU); Margie Dimaano y Villanueva, 11 y/o, grade 5 pupil; at pinsan nitong si Amylee Dialy Dimaano, 9 y/o, grade 3 pupil, habang sugatang nakaligtas ang 12-anyos na si Mcverty Salcedo, na nagawang makalabas ng bahay.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nakatulog ang mga biktima sa bahay ni Neliza Nanduani habang nakasindi ang kandila sa ibabaw ng plastic table.

Speak Your Mind

*