4Ps Program ng pamahalaan, pinuri ni Vice President Binay

Pinuri ni Vice President Jejomar Binay ang programa ni Pangulong Benigno Aquino III na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o’ ang conditional cash transfer para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Sinabi ni Binay na isa ito sa napakagandang proyekto nang administrasyong Aquino.

At kung papalarin daw siya sa darating na eleksyon ay itutuloy niya ang naturang proyekto para sa mahihirap.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na marami sa mga tumatanggap nang nasabing proyekto ay hindi mga lehitimong benepisyaryo nang programa na dapat aniyang tanggalin sa listahan.

Ang cash doles program ay unang naimplementa sa panahon nang administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa ilalim nang programa na ang mga tatanggap nang tulong pinansyal ay may mga kondisyon na kailangang pag-aralin ang kanilang mga anak at gawin ang regular na check-up sa mga pampublikong health centers.

Speak Your Mind

*