6,600 botante sa lungsod ng Dagupan, hindi pa nakakapag-biometrics

Mahigit 6,600 botante na lamang ang hinahanap ng Commission on Elections (Comelec) sa lungsod ng Dagupan na hindi pa nakakapag-pa-biometrics.

Binigyang diin ni Atty. Ericson Oganiza, ang City Election Officer na huwag ng asahan pa ng mga magpapa-rehistro at magpapa-validate na magkakaroon pa ng extension sa itinakdang deadline na Oktubre a-trentay uno.

Ayon kay Oganiza, mahaba na rin ang itinakdang petsa para sa rehistrasyon at validation na nag-umpisa pa noong 2014.

Sa ngayon ay dagsa na ang nagpa-parehistro sa Comelec-Dagupan Office ngunit agad namang binibigyan ng prayoridad ang mga buntis, persons with disabilities at senior citizens.

Sinabi naman ni Organiza na pansamantalang hindi nag-ri-release ngayon ng Voters’ ID ang Comelec upang bigyang daan ang rehistrasyon at validation.

Speak Your Mind

*