7 kandidato sa halalan para bagong presidente ng FIFA, pinangalanan na

Pinangalanan na ang pitong kandidato para sa FIFA presidency ay kinabibilangan nina Michel Platini, Prince Ali Bin Al-Hussein, Gianni Infantino, Tokyo Sexwale, Musa Bility, Jerome Champagne at Sheikh Salman Bin Ibrahim Al Khalifa.

Isa sa mga ito ang inaasahang papalit sa kasalukuyang presidente ng FIFA na si Sepp Blatter na nakaladkad din sa matinding iskandalo na gumulantang sa mundo ng football.

Pangungunahan ni Audit Committee Chairman Domenico Scala kasama ang tatlong election panel ng fifa ang pag-assess sa mga nominado.

Ang halalan ay magaganap kasabay nang gagawing extraordinary FIFA Congress sa Zurich sa February 26, 2016.

Speak Your Mind

*