90 porsyento ng catholic cemetery sa bayan ng Lingayen, lubog sa tubig baha

Nubenta porsyento ng catholic cemetery sa bayan ng Lingayen, Pangasinan ang lubog parin sa tubig baha dulot ng nagdaang bagyong Lando.

Dahil dito, pinatatambakan na ng lokal na pamahalaan ang mga daanang lubog sa tubig baha dahil malapit na ang araw ng Undas.

Ayon kay Engr. Ted Sison ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC) na nakatakdang magsagawa ang lokal na pamahalaan ng inspection sa sementeryo para masolusyonan ang problema sa baha.

posible aniya na irekomenda nito ang pag-pa-pump ng tubig.

Speak Your Mind

*