Alaminos City Government Employees, sumasailalim sa first aid training

Sumasailalim ngayon ang lahat ng empleyado ng Alaminos City Government sa isang first aid training.

Ayon kay Mylene Manalastas, ang City Disaster Risk Reduction and Management Officer IV ng Alaminos City katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng pagsasanay ang Philippine Red Cross – Western Pangasinan Chapter.

Sa pagsasanay ay tinuturuan ang mga empleyado ng mga dapat nilang gawin kapag nagkaroon ng aksidente, sakuna at kalamidad.

Sinabi ni Manalastas sa sonshine radio na bukod sa pagsasanay ay naghahanda na rin ang CDRRM para sa Oplan Kaluluwa sa darating na Noyembre a-uno.

Speak Your Mind

*