Aldub, pinangalanang “social media phenomenon” sa buong mundo ng BBC

Tinawag na social media phenomenon ng isang artikulo sa BBC o British Broadcasting Corporation ang patok na patok ngayon sa Pilipinas na Aldub.

Sa artikulong isinulat ni Heather Chen na may titulong “Aldub’: A social media phenomenon about love and lip-synching” na lumabas sa BBC kahapon, tinalakay kung bakit pumatok sa mga tao ang tambalan nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Naniniwala si BBC News Presenter na si Rico Hizon,  na isa sa sikreto kung bakit sumikat ang Aldub ay ang pagiging “down-to-earth” ng “love team” kaya madali aniya maka-connect sa karaniwang tao..

Ilang buwan nang nakakaagaw ng atensyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ang Aldub ng noontime show na Eat Bulaga kung saan tampok ang lip-synching na ginagawa ni Mendoza na naging internet sensation at tinaguriang “Dubsmash Queen.”

Speak Your Mind

*