#AldubEBtamangpanahon, muling nakapag-tala ng World record sa Twitter

Nabasag ng hashtag na #AldubEBtamangpanahon ng Eat Bulaga ang naitala ng twitter record ng 2014 FIFA World Cup Semi-Final Match sa pagitan ng Germany at Brazil.

Ito’y matapos makapagtala ang ‘tamang panahon charity concert’ ng Eat Bulaga ng 39 million tweets na tumalo sa 35.6 million tweets ng FIFA 2014.

Highlight ng concert ang kalye serye loveteam nina Alden Richards at Maine “Yaya dub” Mendoza, at ang mga lola na sina lola Nidora as Wally Bayola, lola Tinidora as Jose Manalo at lola Tidora as Paolo Ballesteros.

Nabatid din na umabot sa P14M ang nalikom ng nasabing noontime show sa ticket sales, na gagamitin naman sa library project na itatayo sa iba’t ibang mga paaralan sa bansa.

Speak Your Mind

*