Aljur Abrenica, hindi nagsiselos kay Alden Richards

Tudo tanggi pa rin si Aljur Abrenica na nagseselos siya sa kasikatang inabot ngayon ni Alden Richards.

Sinabi ni Aljur na hindi siya nagseselos kung bagamat maraming projects na natatanggap ngayon si Alden mula sa kanilang mother network.

Sina Aljur at Alden, na kapwa kapuso, ay parehong produkto ng patimpalak na starstruck, kung saan pinalad si Aljur na umabot at kinoronahang survivor, samantalang si Alden ay hindi umabot kahit sa final 14 nang nasabing artista search.

Ngayon ay umaani nang tagumpay si Alden na kung kayat marami ang nagkukumpara sa dalawang kapuso stars.

Ayon kay Aljur, hindi maiwasan ang pagkukumpara sa kapwa artista, pero sa kanilang dalawa aniya ni Alden ay walang siyang problema.

Sa katunayan aniya, ay natutuwa siya sa naabot nang carreer ngayon ni Alden.

Deserving daw si Alden kung anuman meron ngayon ang bida nang kalyeserye.

Speak Your Mind

*