Alok na pautang ng SSS sa mga sinalanta ng bagyo, minaliit lang

Minaliit lamang ng grupo ng mga Manggagawa ang alok na pautang ng SSS o Social Security System sa mga miembro na nasalanta ng bagyong Lando.

Ayon sa grupong Kilusang Mayo Uno, imbes na mga dagdag na bayarin at utang, mas kinakailangan umano ng mga biktima ng bagyo ang aktwal na tulong mula sa pamahalaan.

Sa alok na Salary Loan Early Renewal Program maaring mapagkalooban ng hanggang P20 libong piso na ayuda ang mga biktima sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity.

Kung aktwal umano na ipagkakaloob ang 20 libong piso na ito at hindi dagdag na utang mula sa gobyerno, makatutulong umano ito ng malaki para sa pagpapagawa ng mga nawasak na bahay at muling pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo.

Giit ng grupo may sapat na pondo ang SSS para igawad ang aktwal na ayuda at hindi idaan sa pautang na mula rin naman umano sa contributions ng mga miembro.

Speak Your Mind

*