Angel Locsin, hindi pa rin iiwan ang pag-aartista kahit nagkaroon ng injury

Kahanga-hanga sa kaniyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho bilang isang artista si Angel Locsin dahil sa kabila ng kanyang natamong injury ay hindi pa rin ito titigil sa kaniyang pag-aartista.

Nangako si Angel sa kaniyang mga fans na hindi pa rin niya tatalikuran ang showbiz sa kabila nang kaniyang kalagayan ngayon.

Si Angel ay nagkaroon nang problema sa spine na pinagbawalan ng gumawa nang mga mabibigat na stunts sa pelikula.

Inamin ni Angel na nahirapan siya sa mga unang araw na pagsumpong ng kanyang sakit na halos hindi na siya makatayo at makalakad.

Nakakalungkot nga lang dahil hindi na niya magagawa pa ang pelikulang Darna dahil ayaw niyang dayain ang kaniyang mga fans sa mga stunts na hinihingi sa pelikula.

Sinabi ni Angel na kaya siya nag-artista ay para makapagbigay ng saya at inspirasyon sa kaniyang mga tagahanga.

Speak Your Mind

*