Anne Curtis, hindi nakikialam sa love life ni Jasmine

Nilinaw ni Jasmine Curtis na hindi nakikialam ang kanyang ate at kapwa aktres na si Anne Curtis pagdating sa kanyang love life.

Ayon sa actress, pagbibigay lamang ng komento sa usaping pagpili ng lalaki ang papel ng kanyang ate Anne.

Ang mga hinahanap aniya na katangian ng kanyang ate pagdating sa kanyang mga manliligaw ay dapat makakabuti para sa kanya.

Gayunman, hindi raw niya minamadali na dumating ang tamang lalaki na magpapatibok ng kanyang puso.

Speak Your Mind

*