Anti-dengue campaign, patuloy na isinasagawa ng DOH

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagbisita ng mga tauhan ng Department of Health (DOH) sa mga komunidad at eskwelahan para sa anti-dengue campaign sa kalakhang Maynila.

Bumisita ang DOH sa barangay parang Marikina, at doon ay naglagay sila nang insecticide treated screens sa parang elementary school.

Base sa pinakahuling report ng DOH, umaabot na sa mahigit 108,000 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa hanggang Oktubre 3 na mataas ng 31.9% kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Garin na posible pang madagdagan ang bilang ng kaso ng dengue ngayong taon dahil sa El Niño phenomenon.

Kaugnay nito, pinaalala rin ni Garin sa lahat ng mga magtutungo sa sementeryo ngayong undas na itapon ang mga nakaimbak na tubig sa mga libingan na maaaring pamahayan ng mga lamok.

Sinabi ni Garin na naka-white alert ang kagawaran sa ganitong mga okasyon.

Speak Your Mind

*