Apat katao, patay sa aksidente sa Oklahoma University Homecoming Parade

Apat katao ang nasawi habang 34 ang sugatan matapos sumalpok ang isang sasakyan habang isinasagawa ang Oklahoma State University Homecoming Parade.

Ayon kay Stillwater Police Capt. Kyle Gibbs, unang binangga ng Hyundai Enlantra ang motorsiklo ng isang officer na nagbibigay seguridad sa isinagawang parade.

AngĀ  binanggang motorsiklo ay tumilapon sa mismong crowd na nanonood ng parada.

Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng alcohol o droga ang babaeng nagmamaneho ng sasakyan na kinilalang si Adacia Chambers.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang babae sa Dui Charge habang hinihintay naman ng mga imbetigasdor ang blood test para matukoy kung lango sa droga o nasa impluwensiya ng alak ang driver.

Speak Your Mind

*