Apat na gates ng San Roque Dam, binuksan na

Apat na gates ng San Roque Dam ang bukas kaninang mag-aalas-dose ng tanghali.

Ayon kay Engr. Virgilio Garcia, ang chief ng Agno River Flood Forecasting and Warning Center na tig-kalahating metro o kabuuang dalawang metro ang inilalabas ng apat na gates.

Hindi na aniya sila maaring magdagdag ng pagpapakawala ng tubig mula sa dam dahil inaalalayan nila ang Agno River lalo’t ang Carmen Bridge sa bayan ng Rosales ay nasa kritikal level na.

Pinabulaanan naman ni Garcia na walang kinalaman ang pagbubukas ng gates ng San Roque Dam sa naranasang pagbaha sa ilang mga bayan partikular na sa bayan ng Calasiao kung saan labing-isang barangays ang nalubog sa tubig baha.

Speak Your Mind

*