Azkals, bigong mapayuko ang Bahrain sa World Cup Qualifiers

Azkals

Pinayuko ng koponan ng Bahrain ang Philippine Azkals sa kanilang pagtutuos sa ikalawang round ng World Cup Qualifiers na ginaganap sa Bahrain National Stadium.

Hindi nagawang makaporma ng Azkals sa agresibo at sa mahigpit na depensa ng Bahrain kayat nagtapos ang laro sa iskor na 2-0 pabor sa Bahrain.

Dahil dito, nakabawi na ang Bahrain mula sa pagkatalo kontra sa Azkals sa una nilang paghaharap noong Hunyo, 2-1 na ginanap sa bansa.

Sa kasalukuyang nasa ikatlong puwesto pa rin ang Pilipinas na may pitong puntos sa 2-1-2 win-draw-loss kasunod ng North Korea na may 10 puntos (3-1-0) at Uzbekistan na may siyam na puntos (3-0-1).

Samantala, sunod na makakalaban ng Azkals ang Yemen sa darating Nobyembre a-12.

Speak Your Mind

*