Bagong ICC stickers, nakatakda nang ilunsad ng DTI sa susunod na linggo

Ilulunsad ng Department of tRade and Industry o DTI sa susunod na lingo ang bagong Import Comodity Clearance o ICC Stickers sa susunod na linggo.

Ito’y para sa mga inangkat na produkto mula sa ibang bansa na nakapasa sa Philippine Standards.

Ayon sa DTI, tampered proof ang nasabing sticker dahil may ilan itong security features tulad ng hologram kaya’t makatitiyak ang publiko na hindi ito mapepeke.

Muling mag-iikot ang DTI sa mga pamilihan sa susunod na linggo para suyurin ang mga produktong walang ICC Stickers.

Kukumpiskahin at sisirain ang mga produktong hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensya tulad na lamang ng mga christmas lights at iba pang gift items na karaniwang inilulusot sa mga pamilihan tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Speak Your Mind

*