Bagong imprentang one-hundred peso bill, inilabas ng BSP

Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang bagong imprentang one-hundred peso bill ngayong araw.

Mas matingkad ang pagka-kulay ube ng bagong pera kumpara sa ginagamit ngayon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Gunigundo, kaya’t pinalitan ang kulay ng one-hundred peso bill para maiwasan ang kalituhan na dala ng halos magkaparehong kulay ng isandaang piso at isanlibong piso.

Dagdag pa ni Gunigundo, maaari nang maipapalit ang ginagamit ngayong one-hundred peso bill sa mga bangko hanggang katapusan ng 2016.

Hindi naman na tatanggapin pa pagsapit ng 2017 ang naturang bank notes..

Sa ngayon itinigil na ng BSP ang pag imprinta ng 100 pisong perang papel at tiniyak na may sapat pang stock ang mga banko.

Speak Your Mind

*