Bagyong Lando, nakatulong para maalis ang pinamumugaran ng mga lamok – PPH

Nakatulong ang pagbaha dala ng bagyong Lando para umagos ang mga pinangingitlogan ng lamok na may dalang dengue virus.

Ito ang sinabi ni Dr. Policarpio Manuel, ang chief ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH) kaya sa ngayon nabawasan na ang bilang ng mga suspected dengue cases.

Ayon kay Manuel kung dati ay nag-a-average ang PPH ng 18 pasyente  kada araw ngayon ay aabot na lamang sa 13.

Base sa record ng PPH ay mas mataas ang kaso ng suspected dengue cases noong nakaraang buwan ng setyembre na umabot sa 196 kumpara ngayon Oktubre na 123 cases.

Bukod sa sakit na dengue ay pinag-iingat din ng health expert ang publiko sa leptospirosis lalo’t may mga ilang bahagi pa rin sa lalawigan na maputik at lubog sa tubig baha.

Speak Your Mind

*