Bagyong ‘Lando’, sinira ang tatlong tulay sa Tarlac

Tatlong tulay sa lalawigan ng Tarlac ang nananatiling hindi madaanan matapos mapuruhan ng bagsik ng bagyong “Lando” nitong nagdaang linggo.

Ito ang mga tulay sa Caut sa La Paz at Amucao at Agana sa kabiserang lungsod.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Marvin Guiang, kasalukuyang isinasaayos ang mga ito matapos mapinsala ng pagbahang sanhi ng matinding pag-ulang dala ng bagyo.

Sarado din dahil sa road maintenance ang La Paz-Concepcion at La Paz-Tarlac City Road.

Samantala, passable na sa mga light vehicle ang tulay sa Guiteb sa Ramos habang passable sa mga heavy vehicle ang New Salem Section ng Gerona-Sta. Ignacia Road.

Batay sa huling ulat ng Department of Public Works and Highways, umaabot na sa 922 milyong piso ang pinsala sa imprastraktura sa lalawigan.

Speak Your Mind

*