Baha sa Calumpit, Bulacan, posibleng lumawak pa

Posible pang madagdagan ang mga barangay sa Calumpit, Bulacan na lubog sa tubig baha.

Inihayag ito ni Calumpit Mayor Jessie de Jesus kung magpapatuloy pa ang pagtas ng tubig na nagmumula sa mga matataas na lugar na hinagupit ng bagyong Lando

Batay sa kanilang pagtaya, aabot sa dalawamput lima mula sa dalawamput siyam na barangay ang lubog ngayon sa tubig baha sa nasabing bayan

Samantala, sinabi ni Bulacan Governor Willy Sy Alvarado na irerekomenda niya sa gobyerno na gawin nang reservoir ang bahagi ng Arayat at Candaba.

Speak Your Mind

*