Balikbayan box law, malaki ang pag-asang makalusot sa senado

Malaki ang paniniwala ni Sen. Ralph Recto na makalulusot ang Balikbayan Box Law sa senado.

Ayon kay Recto, posibleng itaas na sa P15,000 ang tax value exemption ng mga pasalubong na cargo na ipadadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa kasalukuyan, ang panukalang Balikbayan Box Law ay napapaloob na ng section ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ito na aniya ang naging kasunduan sa senado na isama na lang ang Balikbayan Box Law sa section ng CMTA.

Matatandaang ang CMTA Bill ay inisponsoran noong nakaraang buwan ni Senator Sonny Angara sa senado, ang Chairman ng Senate Ways and Means Committee.

Speak Your Mind

*