Bayan ng Bongabon, itinuturing na pinaka-sinalanta ni Lando sa Nueva Ecija

Ipinahayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Spokesperson Abraham Pascua na isa ang bayan ng Bongabon sa tinaguriang hard-hit areas sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kasalukuyang aabot na sa limang libong pamilya ang apektado ng bagyong Lando na ngayon ay pansamantalang nakatira sa mga evacuation centers.

Ilan sa mga barangay na lubog pa rin sa tubig sanhi ng pagkakapinsala ng pagkasira ng dike sa barangay tugatug at pesa ay ang barangay palo Maria, Pesa, Tugatug, Magtanggol, Sampalucan, Tagaytay at Calinawan.

Sinabi naman ni Bongabon Mayor Allan Xystus Gamilla na patuloy na nagkakaloob sila ng mga relief goods mula sa natatanggap nilang tulong galing sa DSWD at panlalawigang pamahalaan.

Kamakailan lamang ay dumalaw din sa kanilang bayan si Vice President at Presidentiable ng partidong UNA Jejomar Binay upang magkaloob din ng tulong sa kanyang mga sinasakupan.

Dagdag pa nito na marami sa kanyang mga kababayan ang nawalan ng kabuhayan at kabahayan dahil kay Lando.

Nananatili namang wala pang kuryente sa buong bayan.

Speak Your Mind

*