Baybayin ng bayan ng Pilar sa lalawigan ng Capiz, nagpositibo sa red tide toxin

Nagpositibo sa red tide toxin ang bayan ng Pilar sa lalawigan ng Capiz sa pinakahuling monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi ni Pilar Mayor Gideon Ike Patricio, batay sa pinakahuling laboratory result ng BFAR, lumampas na sa safe level na 60 unimicrogram per 100 grams ang algal bloom sa karagatan ng Pilar, Capiz, gayundin sa Milagros, Masbate; Bohol; Cambatutay Bay sa Western Samar; Carigara Bay sa Leyte; at Balete Bay sa Davao Oriental.

Dahil dito, iminumungkahi ng BFAR na iwasan ang pagkonsumo, pag-harvest, pagbebenta at pag-transport ng mga shellfish hanggang sa bumaba na ang toxicity level.

Nabatid na kabilang ang bayan ng  Pilar sa may mataas na toxicity level sa ilang mga coastal areas sa bansa.

Speak Your Mind

*