Bea Binene, pinili si Kristoffer Martin na makapareha sa kaniyang debut

Malapit nang ipagdiwang ng teen star na si Bea Binene ang kaniyang debut at excited na ang fans nito kabilang na rin ang aktor na si Kristoffer Martin.

Nakakakilig na si Kristoffer ang napili ng aktress na maging last dance sa napaka-importanteng bahagi nang kaniyang selebrasyon sa Nobyembre a-kuwatro.

Marami ang nagtatanong na maaaring mayroon ng something na namumuo sa dalawang teenstar.

Ngunit iginiit ni Kristoffer na napag-usapan na raw nila ang bagay na ito kasama si Derrick Monasterio.

Sinabi ni kristoffer na tatlo silang close nina Bea at Derrick, pero mas close daw siya sa dalaga dahil alam daw nang bawat isa sa kanila ang kadulu-duluhang sikreto ng isa’t-isa.

Ayon pa kay Kristoffer mag-best friends lang sila ni Bea at baby sister ang turing niya sa aktres.

Speak Your Mind

*