BFAR Fish Cemetery sa Dagupan, inaasahang dadagsain ngayong Undas

Inaasahang dadagsain ng mga pupunta sa sementeryo ang fish cemetery ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Dagupan sa paggunita ng Araw ng Mga Patay o Undas

Ayon kay BFAR-NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario, ang naturang Fish Cemetery ay nagiging pangunahing atraksyon sa lungsod lalo na ngayong pista ng patay kung saan aabot sa 34 na iba’t ibang uri ng isda ang nakalibing dito.

Sinabi pa ni Rosario na kabilang sa mga inilibing sa sementeryo ay dolphins, pagong at balyena habang ngayong taon ay sampung malalaking isda ang inilibing sa lugar.

Nabatid na nabuo ang konsepto ng fish cemetery noong 1999 at itinayo sa higit 1,300 metriko kwadrado na lupain nang isang 1.2 toneladang balyena ang inabandona ng may-ari at nakumpiska sa Malabon, Metro Manila ng BFAR Central Office.

Inilibing ang balyena na pinangalanang moby dick at mula noon ay naging libingan na ng mga malalaking endangered species ang lugar.

Ang BFAR Fish Cemetery sa Dagupan ay kauna-unahang sementeryo ng mga isda sa Asya.

Speak Your Mind

*