Biktima ng pyramiding scam sa Cotabato, umabot na sa mahigit sa isandaang katao

Mahigit sa isandaang katao na biktima ng pyramiding scam ang nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Cotabato para ireklamo ang PBB Lanmar Investment Group.

Sa salaysay ng mga biktima, nahikayat silang sumali sa PBB Lanmar na pag-aari ng isang nagngangalang Lanie Gahum-Agapo.

Ang mga biktima ay nagbayad umano ng isanlibo at limandaang piso kapalit ng dalawang bote nang bitamina o’ food supplements at membership fee.

Bawat isa ay kailangan din aniyang mag-recruit ng dalawa kataong magbabayad din ng 1,500-pesos bawat isa.

Nangako ang PBB Lanmar na ang bawat miyembrong nagbigay ng 1,500-pesos na initial investment ay makakatanggap ng 10,000-pesos sa loob ng labinlimang araw.

Naging maganda umano ang pagbibigay ng pera sa mga unang araw, subalit habang tumatagal ay hindi na nila nakikita si Agapo at wala na rin silang nakukuha sa mga ipinangako ng kompanya.

Speak Your Mind

*