Namamatay sa Indonesia dahil sa haze, umakyat na sa 19 katao

Umakyat na sa labing siyam katao ang bilang ng mga namamatay dahil sa haze mula sa kagubatan nang Indonesia.

Ang mga biktima ay nagmula sa Sumatra at Kalimantan na boundary nang Borneo Island.

Sa mahigit dalawang buwan na forest fires sa Indonesia ay marami nang mga eskwelahan ang napilitang magsara.

Marami ding mga International events ang nakansela dahil sa haze na kumakalat maging sa mga katabing bansa nito.

Mula nang magsimula ang sunog sa kagubatan nang Indonesia ay humigit kumulang na sa kalahating milyon ang dumaranas nang respiratory illnesses katulad nang ashtma, ubo at sipon.

Inamin naman ni Indonesia Security Minister Luhut Panjaitan na hindi nagkaroon nang prediksyon ang kanilang Weather Agency kaugnay sa El Nino ngayong taon na mas malala kumpara noong taong 1997.

Speak Your Mind

*