Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Afghanistan at Pakistan, posibleng tumaas pa

Umaabot na sa mahigit 2000 bilang ng nasawi dahil sa isang malakas na lindol sa kabul Afghanistan at katabing bansang Pakistan.

Maaari pang tumaas ang bilang ng mga namatay sa mga susunod pang araw dahil bagsak din ang komunikasyon sa lugar ng Hindu Kush na sobrang nasalanta ng lindol na may lakas na intensity 7.5.

Karamihan sa mga naging biktima ay mga estudyante ng Northeastern Afghan sa lalawigan nang Takhar.

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa Northern India at Pakistan partikular sa lalawigan ng Chitral na may napaulat na labing isa ang namatay.

Mahigit sa apatnaraang mga kabahayan ang nasira nang lindol sa Afghanistan.

Patuloy pa rin sa search and rescue operation ng mga awtoridad para makakalap nang mga karagdagang impormasyon sa mga lugar na niyanig ng lindol.

Speak Your Mind

*