Brian Viloria, handang-handa na sa laban kay Roman Gonzalez ng Mexico

Handa-handang na si dating unified flyweight world champion Brian “The Hawiian Punch” Viloria sa nakatakdang laban nito sa Sabado kontra kay Roman Chocolatito Gonzalez na gaganapin sa Madison Square Garden.

Mahigpit na tinututukan ni hall of famer coach Freddie Roach ang nalalabing araw ng training ni Viloria sa Wildcard Gym sa Los Angeles.

Aminado si Viloria na ito na ang pinakamalaking hamon sa kanyang karera.

Ito ay dahil kanyang makakaharap ang ikinukunsidera ngayong pound for pound king na si Gonzalez makaraang magretiro ang dating may hawak ng titulong si Floyd Mayweather Junior.

Si Viloria ay kasalukuyang may fight record na 36 wins at 4 losses habang undefeated naman si Gonzalez na may 43 panalo.

Speak Your Mind

*