CAAP, wala pang detalye sa bilang ng mga ikakanselang flights ngayong APEC summit sa susunod na buwan sa bansa

Aminado ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na wala  pa silang detalye kung ilan ang posibleng ikakanselang flight ngayong darating na Asia Pacific Economic Cooperation summit sa Nobyembre.

Sinabi ni CAAP General Director William Hotchkiss III na depende na lamang sa araw at oras ng pagdating ng mga head state ang pagkakapaekto ng mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ani Hotchkiss, sa ngayon kasi  wala pa naman aniyang ibinibigay na detalye ang national organization committee hinggil sa skedyul ng mga dadating na pinuno ng mga bansa para sa world economic meeting sa susunod na buwan.

Matatandaan, una ng nagbigay ng abiso ang Cebu Pacific na aabot sa mahigit dalawang daan ang ikakanselang flights sa naia simula disi sais hangang a bente ng Nobyembre.

Speak Your Mind

*