Cabanatuan City Police, handang handa na sa paggunita ng Undas

Ipinahayag ni Police Senior Inspector Ronnie Caagbay, Deputy Chief of Police ng Cabanatuan City Police na nagtayo na sila ng mga Police Action Center na pamumunuan ng apat na organic member ng kanilang tanggapan, apat na on-the-job trainees at force multipliers sa lahat ng labing tatlong public at private cemeteries sa buong lungsod para sa darating na Undas ngayong Nobyembre a-uno.

Dagdag pa nito na ipaiiral din nila ang istriktong pagpapatupad ng regulasyon at panuntunan sa loob ng mga sementeryo laban sa pagdadala ng deadly weapons, pag-iingay at pag-inom ng mga alak o inuming nakakalasing upang maprotektahan ang lahat na nakikiisa sa selebrasyon ng Undas.

Dagdag pa ni Caagbay na magpapatupad ng re-routing ang lungsod sa pangunguna ng ilang miyembro ng kapulisan at ng Nueva Ecija 2nd engineering District sa ilang bahagi ng Maharlika highway sa Brgy Accfa kung saan naroon ang pinakamalaking pribado at pampublikong sementeryo.

Ipinahayag din ni Caagbay na magtatalaga din sila ng mga pulis na magsasagawa ng foot patrol o sa mga residential areas sa lungsod upang maproteksyunan naman ang mga kabahayan laban sa mga magnanakaw.

Speak Your Mind

*