Calamity Assistance Loan ng SSS sa mga sinalanta ni lando, ipagkakaloob na

Ipinahayag ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na magkakaloob sila ng calamity assistance sa mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng bagyong lando simula sa araw na ito, Oktubre 26.

Sinabi ni SSS Assistant Vice President for Member Loans Boobie Angela Ocay, ilan sa mga programa na maaaring ma-avail ng mga typhoon victims ay ang Salary Loan Early Renewal Program o SLERP ; SSS Direct house repair and improvement loan program at ang Three-month advance payment para sa mga miyembrong tumatanggap ng pension sa ilalim ng SSS at employees’ compensation program.

Layunin ng ahensya na sa pamamagitan ng nasabing mga programa, maipagkakaloob nila sa kanilang mga miyembro ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito gaya ng pagkain, tirahan at health care.

Ang mga kwalipikadong miyembro ng SSS at mga pensioners ay mayroon hanggang Desyembre 31, 2015 upang mag-aplay ng kanilang mga loan at advance pensions habang ang aplikasyon naman para sa direct house repair and improvement loan ay isang taon mula sa pag-isyu ng nasabing anunsyo ng ahensya.

Speak Your Mind

*