Mga evacuees, hinikayat na huwag munang bumalik ng kanilang tahanan

Pinapayuhan ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang mga nasa evacuation areas na huwag munang bumalik sa kanilang tahanan.

Ayon kay CDRRMC Officer Ronald de Guzman, posibleng tumaas pa ang tubig baha sa ilang lugar sa Dagupan na sakop ng Pantal-Sinocalan River partikular sa Easter barangays dahil posibleng baba ang tubig na nanggaling sa kabundukan.

Sinabi ni de Guzman na nakahanda ang CDRRMC at kanilang mga katuwang sa barangay dahil bago pa man dumating ang bagyong Lando ay nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation.

Halos lahat ng mga evacuees ay nasa simbahan, eskwelahan, barangay hall at may mga residente na nagpatuloy ng kanilang kabarangay sa kanilang tahanan.

Base sa report na dumarating sa CDRRMC ay may mga tahanan ng nilipad ng malakas na hangin ang bubong partikular sa Island Barangays.

Speak Your Mind

*