Chito Miranda, tinanggihan ang alok na P2M ng isang presidential candidate

Tinanggihan umano ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang alok sa kaniyang mag-promote ng isang presidential candidate sa halagang p2 milyon.

Sa post ni Miranda sa kanyang Twitter, hindi niya tinanggap ang alok dahil ang gusto niyang suportahan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte o si Sen. Miriam Defensor Santiago kahit walang bayad.

Dahil dito, umani na ng higit sa 4,700 na retweets at mahigit 7,300 favorites ang tweet ni Miranda dakong alas dose ng hatinggabi kanina.

Hindi naman sinabi ni Miranda kung sino ang presidential candidate na ie-endorso niya sakaling pumayag siya dahil aniya, hindi rin sinabi ito sa kanya ng agency at tiningnan lang muna kung papayag ba siya.

Na nang nagpahiwatig ng pagtakbo sa pagka-presidente si Santiago kamakailan habang si Duterte naman ay inaasahan pa ring magbago ang isip dahil sa pagpapakalbo ng kanyang anak na si Inday Sara Duterte.

Speak Your Mind

*