Civil Service Examination Region 1, kanselado dahil kay Lando

Kinansela ng Civil Service Commission Region 1 ang gaganapin sanang career service examination Paper-and-Pencil Test (CSE-PPT) nitong araw ng linggo, Oktubre a dise otso.

Paliwanag ni Romel Rivera Sr., ang Human Resources Specialist ng CSC-Lingayen Field Office na ang pagkansela sa eksaminasyon ay dahil sa masungit na lagay ng panahon bunsod ng bagyong Lando.

Hindi natuloy ang eksaminasyon sa lahat ng CSC Testing Centers sa rehiyon uno na kinabibilangan ng Laoag City, Vigan City, La Union, Dagupan City at Urdaneta City.

Tiniyak naman ni Rivera na agad na iaanunsyo ng CSC ang petsa kung kailang magaganap ang eksaminasyon.

Speak Your Mind

*