Clearing at dredging operations sa bayan ng Sta. Barbara, nagpapatuloy

Tatlo hanggang apat na barangays na lamang sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang bahain sa ngayon.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Raymundo Santos na malaking tulong  ang biniling long-arm backhoe ng lokal na pamahalaan sa administrasyon ni Carlito Zaplan para masolusyonan ang problema sa pagbaha.

Bukod sa backhoe ay naglalaan naman ng pundo ang lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara para sa clearing at dredging operations sa mga barangays.

Noong nakaraang taon ay one million pesos ang pundo ng munisipyo, samantalang ngayong taon ay 480,000 pesos.

Ayon kay Santos ang mga talagang bahain na barangays ngayon ay ang Sonquil at Dalongue na kapag umulan lamang ay binabaha agad.

Speak Your Mind

*