Coastguard, nagpapasalamat sa mga mangingisda sa nakinig sa kanilang abiso

Maagang nagbigay abiso ang Philippine Coastguard (PCG) sa mga mangingisda sa Pangasinan na munang pumalaot dahil sa inaasahang pagdating ng bagyong lando.

Ayon kay Lt. Alexander Corpuz ng PCG Pangasinan, maaga pa lang noong Lunes ay nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan at punong barangays na nakakasakop sa coastal barangays na huwag payagang pumalaot ang mga bangka sa kanilang lugar.

Nagbigay rin si Corpuz ng instruksyon sa mga namumuno ng PCG sub-stations sa Pangasinan na kausapin na nila ang mga  ito na huwag nang payagan na maglayag ang mga mangingisda.

Nagpapasalamat ang PCG dahil nakinig ang mga mangingisda at may-ari ng bangka sa kanilang pakiusap.

Speak Your Mind

*