Comelec, dumipensa sa pagtanggap ng mga nuisance candidates

Dumipensa ang Commission on Elections (Comelec) sa ginagawang pagtanggap ng mga Certificate of Candidacy ng mga sinasabing nuisance candidates.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tungkulin ng Comelec na tanggapin ang mga COC ng mga nasabing uri ng mga kandidato at walang dahilan ang kanilang tanggapan para tanggihan ang mga ito.

Depensa pa ni Jimenez, maging sa batas ay nakasaad na kahit sino ay pwedeng maghain ng kandidatura.

Matapos matanggap ng Comelec ang lahat ng coc hanggang sa biyernes ay saka pa lamang ito sasalain.

Tiniyak naman ng Comelec na dadaan sa proseso ang paglilinis sa mga pangalan ng mga kwalipikadong kakandidato sa 2016.

Speak Your Mind

*