Comelec muling nagpaalala sa deadline ng voters registration at biometrics

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na ang voters registration at biometrics ay mayroon na lamang 2 araw ang mga botante bago ang deadline sa Oktubre 31.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan na nila ang pagdagsa ng bulto-bultong tao sa mga satellite offices ng komisyon lalo na sa sabado.

Bagamat inaasahan na ang mahabang pila, payo ni Jimenez sa mga botante na pairalin ang mahabang pasensya.

Sa ngayon sinisikap nilang maging maayos ang sistema sa mga registration centers sa kabila ng kaliwa’t-kanang reklamo ng mga botante.

Hindi umano panahon ng sisihan ngayon dahil may kanya-kanyang rason naman ang bawat isa sa kabila ng halos isang taong abiso ng Comelec na magparehistro at magpa-biometrics.

Speak Your Mind

*