Comelec, nakiki-usap sa mga botante na magsakripisyo para makapag-pa-biometrics

Nagdagdagan ngayon ang oras at araw ng serbisyo ng Commission on Elections (Comelec) sa mamamayan lalo’t papalapit na ang Oktubre a trentay uno.

Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, ang Election Officer ng Dagupan City, nananatiling sa nabanggit na petsa ang deadline ng registration at validation.

Paki-usap nito sa 7,000 botante ng lungsod na hindi pa nakapag-pa-biometrics magsakripisyo na lang kahit na nakakaranas pa sila ng pagbaha sa kanilang lugar.

Ang Comelec Office ay bukas mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, mula lunes hanggang linggo.

Speak Your Mind

*